Tuesday, October 2, 2007

CUT! by John Lapus a.k.a. Sweet

Cut!

12:27 am on Saturday, September 22, 2007

It was September 20 of last year when I got a call from Ms. Lani Mercado at around 7:00 pm. We saw each other the week before, when I guested on QTV 11’s Moms. She got my number because she wanted me to host the birthday party of her husband, Senator Bong Revilla, the following weekend.

Nagpapamasahe ako when I recieved her call. Galing ako that day sa taping ng Lovely Day ni Love Anover, kung saan pinahawak nila ako ng mga ahas, palaka, at ipis. Sinagot ko agad ang tawag niya kasi baka ma-victim si Ms. Lani ng ringback tone ko na akala mo ako na ang kausap mo pero hindi pa pala. I thought the call was about Bong’s birthday party. I was wrong.

JOHN: Hello. Yes, Ms. Lani? What can I do for you?

LANIE: Hi, Sweet. I don’t know how to say this. Your father passed away an hour ago. Nasa PGH (Philippine General Hospital) si Bong ngayon taking care of everything. I will text you the number of Direk Felix so you can coordinate with him. Magkakasama sila doon.

Marami pang sinabi si Ms. Lani pero parang hindi ko na maintindihan. I was visualizing the face of my father pero hindi kumakagat. I was thinking of the last time I saw him pero hindi ko din maalala. I tried to analyze kung paano ba dapat mag-react ang isang tao pag nalaman mo na namatay na ang tatay mong umiwan sa iyo noong bata ka pa. Nag-isip din ako kung paano ko tatawagan ang Ate ko about the news, e, almost eight years na kaming hindi nag-uusap. At ang pinaka, paano ko sasabihin sa Nanay kong nasa Amerika na patay na ang lalaking pinakamamahal niya? Ang dami kong inisip, but honestly, I felt nothing.

Kumalat na pala sa mga taga-showbiz through text na patay na ang tatay ko. Some of my friends, nag-text na agad sa akin ng “condolence.” Yung iba na talagang close ko, nag-volunteer pa na sasamahan daw ako basta pumunta lang ako. I told them not to worry at pupunta talaga ako, tatapusin ko lang ang massage session ko.

Mga 9:00 p.m., sa Funeraria Paz na ako pinapunta ni Sen. Bong. Paalis na daw kasi sila sa PGH. Saktong pagdating ko, padating na din sila. Si Bong ang sumalubong sa akin. He hugged me and whispered, “kilala mo na ba si Adora?” I said yes.

Adora is the woman na kinakasama ng tatay ko bago siya namatay. May isa silang anak named Joey Anne, who is now a nursing student in Lipa, Batangas. Doon yata sila nakatira. Nakakatawa kasi magkamukha ang Ate ko at si Joey Anne. So bale, tatlo kaming magkakapatid na babae at prangkahan na, ako ang pinakamaganda. Hahaha. I hugged both Adora and my half-sister.

By 10:00 p.m. na dumating sina Rudy Fernandez at Phillip Salvador, who were also friends of my father. Writer ang tatay ko ng mga action movies—mostly mga pelikula nina Bong at Daboy.

Dumating na din ang TV crew. Buti na lang naikwento na sa akin ni Bong ang mga nangyari kaya alam ko na ang isasagot sa mga crew na dumating. I did my best na magmukhang malungkot when they interviewed me. Habang nangyayari ang mga ito, nakita kong kinakausap na ng Funeraria Paz staff si Adora.

Daboy requested na puntahan daw namin ang bangkay ng Tatay ko sa morgue. Bong and Kuya Ipe agreed, so I asked the Paz staff kung pwede. Pumayag naman at sinamahan pa nila kami. Mga anim na bangkay ang nandoon that night. Nasa may pinto lang ang sa tatay ko since siya ang latest arrival.

Humagulgol ang Titanic Action Star na si Bong, lumuha ang Urian Best Actor na si Kuya Ipe, at niyakap naman ni Daboy ang bangkay ng tatay ko. Nainggit ako sa kanila. Ganoon dapat yata din ang reaction ko pero bakit hindi ko magawa. Nakakaloka yung tatlo, yakapin ko daw ang tatay ko. Hindi nga ako sumisilip sa patay, yakap pa kaya. Siyempre, ginawa ko naman pero wala pa din akong naramdaman.

Ganoon pala pag yumakap ka sa bangkay. Alam mo na ‘yon yung tao na ‘yon, pero you know na wala na siya doon.

After naming pumunta sa morgue, Bong asked the Paz staff kung pwedeng akyat na daw kami sa kinuha niyang chapel for my father since ang dami ng tao sa lobby. Nag-agree naman sila kahit nililinis pa ang chapel at hindi pa tapos ang paper works.

By this time, may mahadera akong kaibigan na tumawag na pala sa Ate ko at sinabi na patay na nga ang pinakamamahal niyang Tatay. Siyempre ang Ate ko na mahadera din, e, tinawagan agad ang Nanay ko sa Amerika. Nasira tuloy ang hinanda kong eksena sa utak ko.

Back to back sina Nanay at Ate sa pag-text sa akin ng kung ano na daw ang nangyayari at nasaan na daw ang bangkay. Kahit sa text, damang-dama kong hysterical silang dalawa. Kaloka!

Habang nag-iisip ako ng mga isasagot kay Nanay at Ate nilapitan ako ng isang staff ng Paz.
PAZ: John Lapus, excuse me. Tatay mo pala ang namatay.

JOHN: Opo. Bakit po?

PAZ: E, kasi may nagsabi sa amin na hindi mo pala nanay yung pumirma. Hindi pwede ‘yon since a death certificate is a legal document. Legitimate wife or children lang ang pwedeng mag-sign.

JOHN: Naku, e, nasa Amerika po ang Nanay ko. Ate ko ba pwede?

PAZ: Kung dalaga pa siya, ok lang, pero mas ok kung ikaw kasi pareho kayo ng apelyido.

JOHN: Ah, ok. Ako na lang po.

It was then that I found out na Adora Lapus pala ang pinirma ni Adora kahit hindi sila kasal ng tatay ko at lalong hindi naman annulled or divorced ang Nanay at Tatay ko. To my surprise, mali din ang date of birth ng Tatay ko na nailagay ni Adora. I do know na one year lang ang tanda ni Tatay kay Nanay. At ang pinaka sa lahat, e, hindi alam ni Adora ang real name ng Tatay kong si Jojo Lapus. So ang ending kailangan kong tawagan si Nanay to double check all the facts about my father. Ayaw ko pa nga sana siyang tawagan kasi alam kong emotional pa siya, pero kailangan na daw i-process ang papers. Maryosep!

JOHN: Hello, Madir.

NANAY: O, ano ng nangyari? Tawagan mo Ate mo. Gusto na niyang pumunta diyan. Ano daw ang ‘kinamatay? Diyos ko naman. Huhuhu…

JOHN: Ay, hindi ka pa pala ready. Tawag na lang ako ulit.

Binaba ko ang phone and called when she texted me na ok na daw siya. Ayokong naririnig or nakikitang umiiyak ang Nanay ko.

By 3:00 a.m., pinasundo ko na sa driver ko ang Ate ko. Ang feeling ko, calm na siya by the time she arrives. I did not want her to be hystercial since siya pregnant noon. Mali ako ng akala. Sa lobby pa lang ng Paz, e, hinimatay na ang bruha. Muntik nang mapisak ang tiyan niya.

After a few minutes, e, kaya na daw niya kaya sinamahan ko na siya sa morgue. Ang Ate ko ay yung typical na namatayan at nakita sa news na ang sigaw niya habang umiiyak, “Bakit? Bakit? Bakit?” Halos sagutin ko na siya ng, “Heart attack! Heart attack! Heart attack!” But I understood her reaction. Very close sila ng Tatay namin. Kay Tatay niya unang sinabi when she got pregnant at the age of 16. Ganon sila ka-close.

Eto na ang punchline. Since naunang dumating sina Adora at Joey Anne sa Paz by 4:00 a.m., natutulog na sila sa family room. E, dumating na nga si Ate at gusto niya na din daw matulog sa family room. Lagot. Say talaga ng Ate ko na mas mataray pa sa akin “Dumating na ang tunay na pamilya. Pwede na silang umuwi. Gusto ko nang matulog sa ‘family’ room!”

Hahaha. Nataranta na naman ako. Nakalimutan kong bw*set nga pala si Ate kay Adora. Buti na lang at nandoon pa si Bong. Hiyang-hiya ako kay Bong. Siya na nagbayad ng gastos sa Paz, eto at pinapakiusapan ko pa na kausapin si Adora.

I told Bong na noong huling nakita ng Ate ko si Adora, hinampas niya ng flower vase sa ulo. Nataranta si Bong. Tinawagan niya si Direk Felix at Portia Ilagan at inutusang kausapin si Adora.

Ang ending, ako pa ang kumausap at nakiusap kay Adora na kung pwede, umalis muna. How I wished that things were simpler, na sana pareho silang nandoon ng Ate ko sa iisang kuwarto. How I wished na pareho kami ng Ate ko na hindi emotional. How I wished na hindi hysterical ang Ate ko. How I wished na nakalimutan na ng Ate ko na si Adora ang ipinalit ng Tatay namin sa amin. How I wished na eksena lang ang lahat sa pelikula at pwede akong sumigaw ng “Cut!”

Kinausap ako ng kapatid ng Tatay ko na kung pwede daw, huwag na sa libingan ng mga Lapus sa Candaba, Pampanga, ang libing dahil nagbabaha nga daw doon. So kailangan kong maghanap ng paglilibingan sa Tatay ko two days before his interment.

Nanay decided not to go home. I agreed. Hindi ko papayagang sumabak sa gano’ng eksena ang Nanay ko. If ever, dalawa sila ni Adora na nakaupo sa harapan ng ataol at umiiyak. Nakakatawa. Baka malito ang tao kung sino ang babatiin ng condolence. At sa mga na-experience kong eksena, buti na lang nga at wala ang Nanay ko doon.

My half-sister Joey Anne is very pleasant. May breeding at tahimik lang. Alam kung saan lulugar. I’m very sure na magiging magaling siyang nurse someday. I made her feel that it was not her fault.

Si Joey Anne lang ang kinausap ni Ate during the funeral. Dumadating sila ng gabi to attend the mass at umaalis din ng madaling-araw. May mga bisita silang nagpunta kahit wala sila. Alam kong bisita nila ‘yon kasi hindi ako nilapitan.

Pangalan ko, ni Ate, Joey Anne, at mga pamangkin ko lang ang nilagay na names sa ataul. Pangit nga naman na may Sally at Adora on both sides. Nagpagawa na lang ako ng malaking korona na itinabi ko sa coffin, pinalagyan ko ito ng “from your loving wife Sally.”

Cremation ang ginawa sa tatay ko. Hinati kasi na parang asukal ang kanyang abo. Say talaga ng staff sa crematorium, “Paano po ang hatiin? 50/50 or 70/30? Sa mga chinese nga po minsan hinahati namin sa apat, e.” Nag-agree na ako sa 50/50. In fairness kay Bong, dalawang urn din na magkatulad ang binili niya.

Dalawang urn ang lumabas sa Funeraria Paz after the cremation. Isang papuntang Commonwelth Avenue at isa naman na papuntang Lipa, Batangas.

Pag-uwi ko ng bahay ko that night at saka lang akong naiyak. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong umiyak kasi wala akong nadinig na sumigaw ng “Cut!”

No comments: