IN FAIRNESS by John Lapus a.k.a. Sweet
In fairness
Na-delay na naman akong mag-post ng new blog. Naloka kasi ako sa mga comments niyo na “Cut!” is my best blog ever. Sa mga naiyak at the same time natawa, that’s the idea. I always make it a point to laugh at the things that make me cry. Anyway, na-pressure tuloy akong sundan. In fairness, nakaisip ako ng bago.
Ewan ko kung napansin ninyo pero madalas kong gamitin dito ang words na “in fairness.” Maski pag nagsasalita, maya’t-maya nagsasabi ako ng “in fairness.” Madalas ko ‘yan gamitin pero recently ko lang nalaman na two words pala ‘yon. Before, when I type those two words, ang nalalagay ko, “infairness.” Tanga.
Favorite ko ang “in fairness” kasi napaka-positive. It’s like seeing the good in things that are bad.
Ang pangit ng damit niya pero, in fairness, na-carry niya.
Malakas ang dating mo, Sweet, pero in fairness, mabait ka pala.
Ano ba naman ‘yang si Pia, laging naka-mini. Pero in fairness, sister, bagay sa kanya.
Bakla daw ‘yang si matinee idol pero, in fairness, ang daming fans at super talented.
Alam mo, Sweet, ang pangit ni Lani Misalucha noong araw pero, in fairness, siya ang pinakamagaling kumanta para sa akin.
It’s like seeing the sunshine after the rain.
Namatay ang tatay ko September of last year. In fairness, nabuhay ang career ko sa GMA the week after.
Lahat ng jowa mo, Sweet, niloko ka. Pero in fairness, ang dami mong kaibigan.
Super lugi ang GRAFFiTi, Sweet, pero in fairness, thankful ang mga staff mo kasi hindi mo sinasara.
Sweet, ano na ang nangyari kay Carlos Agassi? In fairness, ang gwapo pa din niya.
John, kawawa naman si Jennylyn, naipit sa GMA at kay Becky. In fairness, hindi naman daw siya pababayaan ng GMA.
It’s like seeing the silver lining in every dark cloud.
Grabe, buntis si Camille Prats. In fairness, nasa tamang age naman na siya at mukang masaya siya.
Kawawa naman si Ate Guy, walang pelikula. In fairness naman daw, happy siya sa piling ni Nori sa Amerika.
Grabe, nag-call boy pala ‘yang matinee idol na ‘yan noong araw. In fairness, noong nagkapera siya, tumulong sa pamilya.
Sweet, nagsara na pala ang Klownz Araneta. In fairness, may mga bago daw gimik na aabangan sa ibang branch dahil entertainment director na si Phillip Lazaro.
Alam mo, Sweet, hindi kita gusto noong araw. In fairness, napahiya ako nang makilala kita.
Maraming “in fairness” sa buhay ko. Yung mga pangit hinanapan ko ng magandang resulta at nasabi ko talaga sa sarili ko na, “in fairness.”
Last summer, may mga nakilala akong boys sa GRAFFiTi. Mga students sila ng UST. Nakipag-chikahan ako sa kanila, which I normally do sa mga customers namin. Habang nag-chichikahan kami, nag-text ang mga kaibigan kong bakla.
“Sweet, sino ‘yang mga ‘yan? Ang gagwapo. Hada ba ‘yan? Pakilala mo kami.”
Nag-text back ako, “Naku mga sisters, mga anak-mayaman. UST. Friendly lang.”
Anyway, pinakilala ko pa din sila. Kanya-kanyang chika na ang mga bakla. Yung type ko, binakuran ko talaga. Hahaha. One time, nakita ko ulit ang mga UST boys sa esQuinita, where GRAFFiTi is located, at kasama na nila ang mga friends kong ipinakilala ko sa kanila. Gosh, dinapuan ako ng insecurity nang bonggang-bongga. Hindi ko na-get ang concept na kasama ng mga friends ko ang mga boys na ako ang nagpakilala at ako hindi. Later ko na lang nalaman na nag-emote pala yung type ko sa mga barkada niya na hinipuan ko daw siya. Siyempre, naloka na naman ako. Hindi ko ugali’ng manghipo.
Nag-effort ako to death para kaibiganin ang mga boys. Painom at pagimik para makapag-bonding. Admittedly, gusto kong mabago ang pagtingin nila sa akin. In fairness, nagbago naman daw. Marami pa akong ginawang kagagahan para lang maging ka-close ko sila. Nagkatampuhan pa kami noong isa kong friend dahil nabwiset nga ako na hindi niya ko iniinvite sa mga chikahan nila, e, ako naman ang nagpakilala sa kanya sa mga boys. Na-explain naman niya sa akin na it was actually the boys who were aloof to me kaya ayaw nila akong makasama at first. Point taken, kasi madalas mangyari ‘yon.
Bihira ko ng makita ang mga UST boys. In fairness, some of them still text me once in a while. Sa ibang lugar na sila gumigimik, minsan daw with my friends. Last time I heard, some of them pinasok ng mga friends ko sa trabaho. In fairness sa mga kaibigan ko, matulungin sila.
I promised myself na hindi na ako kakaibigan ng mga boys other than the ones I have now. Magastos. At kung meron mang makipagkaibigan sa akin, baka hindi ko na pakilala sa mga gay friends ko. Talo ako in comparison sa ugali. Motherly at submissive ang mga kaibigan ko, samantalang ako, loud and spunky. Hahaha. Aminado naman ako.
In fairness, nabago ‘yan last week. I think it was a Wednesday night. Isang table lang na all-boys ang customer ng GRAFFiTi. Ang popogi. Mukhang mga disente kasi nag-i-English, may mga car keys at sosyal ang mga cellphone. Lumapit yung isa. Picture daw with me. Nakainom na ang mga loko. Inofferan ako ng beer. I told them hindi ako nagbi-beer at tequila girl ako. Ang kulit. Libre daw nila ako ng tequila. Sabi ko, huwag na kasi may imbak naman ako.
Ang ending, nag-bonding kami to death that night. Nakakatawa yung question and answer portion namin. Prangkahan—from sexual experiences to sex organs, pati na rin love life at career. Niyaya pa nila ako sa isang club after namin sa GRAFFiTi. Pucha, first time ako nalibre ng lalaki ng drinks. Feeling ko, girl ako. Alam noong isa na type ko siya pero hindi na aloof sa akin. That time, muntik na akong manghipo for the first time. Hahaha. Sa dami ng mga babae sa club that night, sa akin pa siya nakipagsayaw. Grabe!!! Feeling ko panaginip lang or lasing na yata ako.
Palitan kami ng numbers at textan ng mga “hi at hello.” Ininvite nila ako to watch NCAA sa Araneta. I asked them kung ano ‘yon. Para daw yung UAAP pero mga ibang school naman. Championship na daw kasi.
Sa Araneta ako galing today, Wednesday. Letran vs. San Beda. Pag nag-win ang Letran, may isang game pa daw on Friday pero pag San Beda nag-win, champion na daw. Grabe, nasa harap ang tiket na nilibre nila sa akin, nakaka-touch. First time ako nalibre ng mga lalaki ng tiket. Kahit tiket ng bus hindi pa ako nalibre ng lalaki. Champion ang San Beda.
Tuwang-tuwa ang mga new friends kong San Beda boys dahil champion sila for two consecutive years. In fairness, sa na-experience ko with them, champion din ako.
No comments:
Post a Comment