pakapalan na ng mukha to!
since tinataboy na ako ng mga tao dito kapag nagstay ako ng late sa office, eh nagdecide na ako na bibili na ako ng sarili kong notebook. i got 2 choices, pumunta ng singapore para lang bumili ng notebook dahil walang vaio dito sa isla na to, or kapalan ang mukha at magpabili sa mga taong maoonshore sa belgium. so mas pinili ko ung second option at mas kinapalan ko na ang mukha ko dahil sa functional counterpart ako nagpabili. hahaha!
nisend ko na ang wishlist ko yesterday, so hopefully kung available lahat eh makakarating sakin after BE go-live. so by june un pag balik nila didier, nasif and zaheed.
nde ako mashadong techy. oh well sabihin na natin na ignorante ako sa pagpili ng specs ng laptop kaya nagpatulong pa ako sa colleague ko na si fadil. so thanks bubba - i lurve it! it's pink, sassy and practical. sabi ko sa kanya gusto ko ung pinakamaliit, pero sabi nya it'll be twice the price tapos baka mahirapan pa ako magupgrade. shempre naniwala naman ako kse nga wala naman akong alam. hahahaha! sana talaga may stock na pink ung shop. sabi ni papable, meron daw pero he would look for other shops pa daw to see if may mas mura pa dun.
tapos nagpabili rin ako ng extra bat for the notebook. gaya-gaya daw ako. hehehe. para may backup.
aside dito eh sinulit ko na ang kakapalan ng mukha ko at nagpabili rin ako ng ipod touch at case. hehehe. wala nang kokontra, oo makapal ang mukha ko. hehehe.
at ang matindi pa nito eh ang i-wa-wire ko na money eh less VAT dahil charged kay papable ung VAT! hahaha. sabi ni papable, eh okay lang daw since he can refund it later and actually im doing him a favor daw since pede nya icharge sa company nya un. see! okay lang, kaya nga nilubos lubos ko na!
so nicompute ko, papatak lang ng more or less 1400 Euros. Feeling ko carry na un, kesa punta ako SG tapos airfare pa. pakicompute nga kung nakatipid talaga ako? hahaha.
so excited na ako. sa wakas, nde na nila ako kelangan ipagtulakan palabas ng office. hehehe.
at eto pa pala, pag dumating na un laptop eh magkakaroon na ako ng sideline. magiging freelance ABAPer ako for another functional who's working for another client. hahahaha. akala ko nun una nya akong tinanong eh joke lang, ayun pala eh seryoso sha. so magkano kaya ang professional fee ko? hehehe. so sana makarating na lahat ng hinihintay ko nang nde ako mabagot. hehehe.
No comments:
Post a Comment