Tuesday, August 28, 2007

Ang Alamat ng KASINUNGALINGAN...

Mga mother, panalo to! :)

 

Karpintero itong si Jojo at isang araw eh gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog.

Umiyak siya at lumitaw yung guardian angel niya, "tutulungan kita, Jojo"...sabay lundag sa ilog. Lumabas ito na me hawak na gold hammer, "ito ba ang martilyo mo?"... "hindi po"...  Lundag uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer, "ito ba?"..."hindi po"...

Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, "ito ba?"..."Opo" ...natuwa ang anghel. "Dahil honest ka, bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammer"...

 

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa ilog at kasama ang misis niya. Eh sa katangahan, nalaglag si misis sa ilog...iyak si Jojo.

Litaw si guardian angel, "tutulungan kita"...sabay lundag sa ilog at ng lumitaw eh kasama si Paris Hilton, "ito ba ang misis mo?"...sagot si Jojo,

"opo"...nagalit si anghel, "sinungaling ka.  Akala ko pa naman mabait ka"... Nag- reason-out si Jojo, "sorry po, angel...kasi kapag sinabi kong 'Hindi',

eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jessica Simpson. At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko, eh lulundag ka uli at ang

tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko, eh ibibigay mo din sa akin sina Paris at Jessica. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang ang sinagot ko nung una.

 

Moral Lesson of the story:

KAYA LANG NAMAN NAGSI-SINUNGALING ANG MGA LALAKI EH
FOR A GOOD AND NOBLE REASON.

5 comments:

Anonymous said...

panalo nga haha

bebe.must.be.crazy said...

hehehe!

hanamaru said...

hahaha kakatawa naman to! :)

Anonymous said...

in fairness, ang galing magdahilan ni Jojo. hehehe

bebe.must.be.crazy said...

@ bang/mama annie - oo nga eh. kakaiba ang alibi. :) sobrang late na ng reply ko. hehehe.