note to self: wag nang matulog sa shuttle
ako ang klase ng taong sinusulit ang bawat minuto (dahil alam kong maraming minuto na ang nabawas sa buhay ko kakayosi, hehe!). kaya imbes na tumunganga sa shuttle ride ay pipiliin ko na lang itulog ang 30-45 minutes na travel ko pauwe from sucat to pacita. kanina ay ganun nga ang ginawa ko, nagising ako nung nasa puregold na ako, boundary ng san pedro at muntinlupa. pero as usual, since wala pa naman ako sa pacita eh itinuloy ko ang tulog ko. hulaan nyo kung nasaan na ako pagkagising ko?! nasa pacita na ako, ang galing noh, sakto?! hehe. kaso nga lang nasa pacita na ako kung saan ung shuttle ay pabalik na ng sucat. ibig sabihin ay kasama ako sa pag-ikot sa binan ( next town after san pedro). tsk tsk! buti na lang talaga at nagising ako. nagmadali akong tumayo at sumigaw kay manong driver. sobrang gulat nya dahil may tao pa pala. nakow manong, sana sa susunod eh icheck mo ang bus bago ka bumalik ng sucat para siguraduhin na nakababa na ako. hehe!
p.s. may mas malala pa pala na nangyari sakin dati. nung uwian ako from mandaluyong, pagkagising ko eh nakapark na sa terminal nang cher ang bus. hahaha! buti na lang ang terminal nya eh nasa tapat lang ng pacita. :)
p.s. may mas malala pa pala na nangyari sakin dati. nung uwian ako from mandaluyong, pagkagising ko eh nakapark na sa terminal nang cher ang bus. hahaha! buti na lang ang terminal nya eh nasa tapat lang ng pacita. :)
11 comments:
madz, mag-set ka na lang ng alarm. para atleast sulit pa rin. haha. kaya lang di ka yata nagigising sa alarm eh..
hinde... hinde alarm... dapat may checklist si manong driver. eng eng un a.
"madz, mag-set ka na lang ng alarm. para atleast sulit pa rin. haha. kaya lang di ka yata nagigising sa alarm eh.. "
hai nakow madz, oo yan ang kinakatakot ko kaya ayaw ko din mag-abroad mag-isa. hahaha!
"hinde... hinde alarm... dapat may checklist si manong driver. eng eng un a."
uu nga eh, kung ang mga public bus nichecheck eh, tapos ung company shuttle nde. hmmmp!
nakakatakot un be! kaya ako minsan pinipilit ko di matulog.. heheh... pero pag busy season tapos di ko talaga mapigilan antok ko, minsan lumalagpas din ako eh... ang sarap naman kase matulog sa bus! heheheh
haha.. mukhang ako nga ang magiging taga-gising nung dalawa. actually in-appoint na ko ni diane nung friday. hehe
"nakakatakot un be! kaya ako minsan pinipilit ko di matulog.. heheh... pero pag busy season tapos di ko talaga mapigilan antok ko, minsan lumalagpas din ako eh... ang sarap naman kase matulog sa bus! heheheh"
nakow ako nasanay na. sayang nga lang sa pamasahe and time just in case mangyari ulet at paggising ko eh nasa sucat ulet ako. hahaha!
"haha.. mukhang ako nga ang magiging taga-gising nung dalawa. actually in-appoint na ko ni diane nung friday. hehe"
ah talaga, nakow madz bawal kang magpuyat nyan! hehehe! no late night phone calls! harhar!
hahahaha! ako naman minsan lang makatulog ng mahimbing sa bus. usually pag pagod lang. pero never pa ko lumampas.
si bin naman galing sa gimik. sumakay siya ng bus sa ayala na paCubao dapat baba siya ng edsa kaso lumampas siya. nagising siya nasa megamall na. so baba ulit siya tapos sumakay ng bus papuntang alabang bababa siya dapat sa bicutan. ayun lumampas ulit. nakababa siya sa alabang na.
super alala ko nun kase nakauwi siya halos 3am na. tsk. kaya yun hindi na siya natutulog sa bus pag galing sa gimik.
nako napakamalas naman ni bin. sana nagdala na lang sha ng car, kaso gimik nga pla un noh.
swerte mo nde mo pa nasusubukan makalagpas. :)
Post a Comment