on living independently
it has been more than a year now that i've been living alone and away from home. nung college ako, i've always dreamt of having my own pad and matry maging independent. oh well, based on my experience eh nde naman mahirap. manageable naman sha pero there will be times na nakakaloka. it would have been easier siguro kung nasa pinas tapos makakauwe pa rin ako during weekends and i would still be able to hang out with my friends. pero atleast, i get to experience this and nakaya ko naman.
actually may pros and cons eh, eto:
1. kahit ano gustong mong gawin, magagawa mo. hahaha, example (example lang!) maglumandi ako. hahaha.
2. sa household chores eh ako ang bahala, meaning kung kelan ako nasa mood mag-general cleaning, magluto ng cravings ko, etc.
3. sa pagbubudget ako ang bahala, kung nagtitipid ako eh pede ko isabay sa diet mode. kung maluho naman ako eh kelangan ko lang i-make sure na within sa budget.
4. walang sermon/nagging. (luv u mama and mommy!)
5. marami pang iba.
cons naman eh...
1. pag maysakit ako eh no choice kundi gamutin ang sarili at umiyak. just like now, un open wound ko needs packing everyday, talaga namang napakahirap. kaliligo ko lang tapos after packing pawis na ako kagad. packing nga pala means dressing open wounds. nde ko na idedescribe kse gross at ang sakit isipin.
2. nakaka-autistic, diba papa jays? sobrang sagana ka sa alone time.
3. dahil sa mag-isa ako eh lagi akong tamad, there are some weekends na talagang walang labasan ng bahay. so kaya kinukulit ako ng mga colleagues ko na wala akong social life. oh well, siguro andito ako sa Mauritius. pero if i were in other place na may night life at maagang nagsasara ang mga establishments eh nde ako magmumukmok sa bahay.
4. mahirap magluto nang para lang sa isang tao. pagkain ko buong week na un pag nagluto ako, ako pa man din ang tipong maramihan magluto kse mas gusto ko ung may ibang kakain ng niluto ko.
with this experience, sa palagay ko kaya ko pa rin talaga kahit maulet to, wag lang dito sa lugar na to. iba naman, sa 4-season country naman. hehehehe.
anyway, ngayon nga pala na partially handicap ako eh wala akong ginagawa kundi dumapa at tumayo sa bahay. at this point, mas madali sana kung may kasama ako pero i have no choice. all the while akala ko healthy ako, nde pala.
everything has to be within reach. hehehe!
ang bestfriends ko for 2-3 months. hail. :(
No comments:
Post a Comment