Tuesday, November 25, 2008

Status

Pronounced as "stay"tus or "sta"tus?

All of the people here pronounce it as "stay"tus and I'm the only one pronouncing it as "sta"tus. Sometimes I even pronounce it both ways. Hahaha! I will say "sta"tus then say "stay"tus so they will get it.

Here's a long forum thread on which is the correct pronunciation: STATUS

Dito naman, you can hear how it is pronounced in both UK and US: here

Mr. I Know Everything in English (a.k.a. papable) (note: excluding spelling =P) says that "stay"tus is the 'received pronunciation'.

ewan ko bahala na si batman. we were colonized by the Americans so I have my excuse. hehehe.

Monday, November 24, 2008

12 more tulog to go...

then i'm off to Asia!

tapos ko na rin ang big dev ko just in time para makapag-absent ako after 376 days of not being absent at work! kelangan ko na ulit magdrama and at ilabas ang aking powerful ability to make alibis why i cannot come in for work. hahaha!

oh! and 2 weeks of oatmeal diet dahil nde na ako maggogrocery. hehehe. ang sabi nga ni papa dar eh nde mo mararamdaman pag nagbakasyon ka, un bulsa mo daw ang makakaramdam. hehehe.


Friday, November 21, 2008

last getaway before coming home for xmas

after a year here in the island, ngayon lang ako makakapunta sa North kung saan may night life "daw". we won the final award for the L'Envol CMMi initiative so we got the prize of spending a weekend at Maritim Hotel.

i am in charge of bringing the booze. BI talaga ako, hehehe, so dadalhin ko na lang un vodka na regalo ng landlord ko. si Nitin naman daw ang magdadala ng beer and wine.



there will be moslems too in the group so definitely eh nde naman lashengan session to. anyway, im looking forward sa water sports activities. :)

summer na summer na dito pero mas feel ko pa rin ang weather sa pinas na mejo malamig which brings the spirit of xmas!

naalala ko tuloy, nakow, late na ako for xmas shopping so magsisimula na siguro ako. sino may gusto ng Mauritius tshirt? Jason? Rhea? bwahahahahahahaha!



















Thursday, November 13, 2008

Monday, November 10, 2008

in the spirit of xmas

in the spirit of christmas eh nagdownload ako ng absolute christmas album sa piratebay. hahahaha!

malapit na magpasko!!!!!!!!!!!!

sana naman eh nasa pinas ako that time!

nagdodownload din ako ng one more chance. jologs! hahaha. last year pa yata un pinalabas. si malou kse nagpost pa sa multiply ng trailer.




going back sa topic ko, 2nd year ko na rin na mamimiss ang starbucks planner season! anu ba yan. ako pa man din ang madalas maginvite magkape dati.

pag uwe ko, pahenge ng stickers bec at jacque! =P

kung uuwe ako. bwiset.

sa mga kapwa ko ABAPer, wag kau magpaputok (seryosong firecracker). isang daliri lang mawala sa inyo, 10% less productive ka na. hehehe.

...

babalik na ako ng InBev right after ng roll-off ko from LV sa dec. 5. approved na ni boss Christophe at sa sobrang tuwa nya eh nagcommit na sha until march.

pero bakit nde pa rin ako masaya. anlabo ko naman talaga.

ang nde na lang approved eh ang leave ko. sa InBev onshore nakasalalay ang approval nun. dehado pa ata kse daw ramp up ng InBev starting dec. tapos nde ako pede umalis ng isla hanggat wala un new work permit ko. nde ko kayang magpasko na naman dito, mas festive pa ang halloween ng pinas kesa sa pasko dito!

Wednesday, November 5, 2008

ayoko na talaga!

bwiset talaga.

Monday, November 3, 2008

...

linchak talaga, umaatake na naman ang allergy ko. mukha na naman ulet akong sinapak. immune na sha sa formula ng maxipeel,oh baka naman less saturated na ang formula ng maxipeel sa ngayon?

back on the market!

career-wise. as in seryosong career nde career na lovelife. hehehe.

sa dame ng pinasahan ko eh may nagreply naman sa wakas who found my CV interesting. akala ko ba in demand ang trabaho ko? nde na ata! hehehe. anyway, un nga bukas 2:30 MU time. iniisip ko pa nga kung san ako pupwesto during the phone interview. magbook kaya ako ng meeting room? hahaha! napaka-kapal ko talaga. oh well siguro sa smoking area na lang sa 1st floor = smoking area ng non-ACN people. hehehe.

sana madaling intindihin ang accent nila, sanay na naman ako sa belgian, french at british accents, naway eto ay nde nalalayo. nde ako mashadong nag-eexpect sa ngayon. i'm looking forward to SG sana, pero wala pang balita sa recruiter na suki ko. magulo na plano ko ngayon sa buhay. dati ayoko sa SG, malapit kase kay ate, pero ngayon eh mejo convinced na ako.

bahala na si batman. kahit anu na lang mangyari basta ang importante eh nagsisimula na ako.

sa saturday nga pala eh exactly 1 year na ako dito. 1 year took like forever. hai, ile maurice, im tired of you!