Friday, October 31, 2008

long time no see!

namiss kita sobra! dahil sa umuwe na un 2 naonshore na pinoy eh binigay nila sakin un nde nila nagamit na sinigang mix. ang balak ko eh last grocery ko na nun bumili ako ng pangcaldereta dahil uubusin ko na lang sana un oatmeal ko til 1st week of december. pero nde ako makatiis na pumunta sa way para bumili ng baboy. hehehe.

meron pa akong isang nike-crave. binagoongang baboy + nilagang talong. higit na mas masarap sa briani ng mauritius!

Wednesday, October 29, 2008

Batman

itago natin sha sa pangalang Batman (kse lagi shang may Robin on his side). sha ang french onshore coordinator na nakawork ko sa 2 projects na naworkan ko dito sa MIDC.

i used to hate him dahil:

1. marami akong mishaps na napupuna nya, nde naman sa deliveries pero sa communication churva with the business and non-ACN colleagues and the like. ang core values ng ACN eh isinasapuso nya.
2. intimidated at takot ako sa kanya
3. madame shang sharp and smart comments na minsan eh nakakabwiset
4. minsan eh nibabypass nya ang leads at dumederecho sa developers and you have no choice but to say yes. there was one time na dumerecho sha sakin:

batman: xianne, this is quite urgent. can you and vitish work over the weekend to be able to finish this by monday?
xianne: euh, let me check. i will ask vitish too.
.....
xianne: euh batman, we have a wedding to attend on saturday.
batman: so?

i've always imagined him looking like bin laden dahil nga sabi nila eh may Iranian features sha. so nun pagpunta ko sa Belgium eh i was shocked to see na para lang shang college student. totoy na totoy pero intimidating pa rin.

anyway, after a while we got along naman. ngayon eh friends na kame sa MSN at facebook tapos may smileys na ang chats namin. hehehe. and we are still working on the same project.

so un nga, nakakatuwa lang kse binigyan nya ako ng celebratingperformance pogi points and here's his comment.

"Xianne has been contributing to MIDC high quality and professionalism delivery. Thanks to her affirmative attitude and her enthusiasm, she undeniably contributes to establish a positive work environment."

(kapag nag-eenglish sha eh talagang nichecheck ko ang grammar. madalas kse nila paghaluin ang grammar ng english at french which is minsan nakakaloka)

infairness, natouch naman ako. mejo bumalik na ang motivation ko. ambabaw! hahaha! pero un lang siguro kelangan ko, recognition from onshore counterparts dahil wag nang umasa sa increment dito. more chances na maonshore na lang. =P

oh baka naman nakita nya sa facebook na birthday ko? kaya eto na lang ang simpleng regalo nya. hehehe! pede na rin, it kept me going somehow.

Tuesday, October 28, 2008

Micromanagement is Mismanagement

i've just realized 2 important things:

1. i hate the new project because i'm being micromanaged and it's not because i want to go back to InBev so badly.
2. i don't want to take the management ladder because i know for a fact that there's a tendency that i would become a micromanager.

enough said, i'm strange.

Saturday, October 25, 2008

Simple Celebration

napakaKJ ko naman ko nde ako maghahanda for myself at magmumukmok na lang. so i decided na to cook for myself and buy a small cake. :)

pede na to...

butter + garlic + onion + msg + pepper + fish sauce + mutton + pineapple juice + tomato sauce + peanut buttter + liver spread + potatoes + carrots + celery + grated cheese = Special Mutton Caldereta

simpleng cake from way. ang cake dito magaan nde kasing bigatin ng red ribbon cakes pero masarap sha.

P.S. sa pacita, naghanda sila ng patatim. bukas daw turbo naman, ewan ko kung anong turbo. basta turbo. hehehe.

happy birthday to me again!

wala lang






we don't sit next to each other... duh!



















my so-called salad days...

Friday, October 24, 2008

malapit na!!!

I know I cannot send you real flowers, so these will have to do


Happy Birthday

...pede naman ipa-courier ang pabango since discounted jan. hehehe...

isa pala sha sa mga corny at mushy. at mas maraming magandang images ng flower over the internet and ang sabi nga ni Big (Chris Noth) sa The Perfect Man, yellow roses are for your sick grandma. pero pede na rin. hehehe.

P.S. nakakapagod, katatapos ko lang mag-apply sa mahigit na 50 job posts dala ng ka-buraot-an ko sa leads ko. hai.

P.P.S. advance happy birthday to me! psoriasis! nde tau magtatagpo kahit ngayong 25 y/o na ako. tama na si ate at kuya, lubayan mo ko kung pede lang.

nga pala, magtatrabaho ako over the weekend for InBev as requested. pathetic, pero dadalhin ko ang aking laptop para makita ang handa nila sa Pacita for me. may handa sana kahit wala dun un celebrant.


Wednesday, October 15, 2008

sistahs!


nagkataon lang na mas maganda lang camera mo ate! gusto ko na rin ng DSLR!!! malapit na birthday ko, sino magreregalo?? hehehehe!