nde kasha ang 24 hours sakin
sabi ko sa sarili ko since it's not worth staying in the office ng long hours dahil nga sa masaklap na increase (teka increase ba talaga un?!) eh dapat 5pm sharp nasa bus stop na ako. nagawa ko un yesterday at nagawa kong makapag-inquire sa gym. pero ngayon eh nagstay na naman ako til 9 sa office. :( ewan ko ba, parang nakapako ako sa desk ko.
anyway, nde ganun kadami workload ko ngayon pero pasulpot sulpot kse ang mga issues na nde ko matanggihan - investigation, follow up ng urgent issues at iba pa. pero un nga ang dami kong pinaplano na nde ko magawa:
1. Mag-catch up sa French 101 lessons ko
~ 2 french books ang binili ko with mp3s at ako ay stuck sa "DIXIÈME LEÇON". goodluck! nde ko pinipilit sarili ko kung wala ako sa mood, otherwise eh mabe-brain drain lang ako, hehehe!
2. Magsimulang mag-gym
~ Nagtanong un coach kung kelan ko balak magsimula, sabi ko eh next week! kelangan kong maging motivated bago ako magregister, otherwise sayang ang pera. Saka kelangan kong magpromise sa sarili ko na uuwe ako ng maaga para makapaggym at nde mapako sa desk ko until 9pm. Saka may tortang talong at yosi pa ako dito sa bahay, hahahaha! ubusin ko muna bago ako magenroll. Dapat pag nagsimula ako eh minimal na ang kain esp. tortang talong at ang yosi. Hai. kelangan ko ng motivation. Meron na akong naisip pero nde ganun kaconvincing para sa sakin:
a. In prep para sa paghuhunt ko ng hot male Aussie surfer. hihihihi!
b. Para paguwe ko ng pinas by December eh sexy na talaga ako. hehehe.
Tulungan nyo akong magisip ng mas convincing na reason! Encouraging enough to give up ang pagyoyosi at tortang talong. bwahahahaha! seryoso, tulong! ;)))
3. Itigil na ang OTY
~ Kahit mababa ang increase ko eh nde ko matiis na nde magreply sa walang katapusang emails ng functionals ko. Mashado kse akong mabait!
4. Magsimula nang magplano para sa panibagong adventure sa aking career
~ Andami nang pending, si Mish nagsimula na. Binasa ko na rin un PDFs pero napakahaba at bawat section eh may nirerefer na link. naloloka na ako pero excited na din ako.
5. Magupdate ng online CVs
~ Natatakot ako na baka pag nagsimula ako eh darating na ang mga temptations na yan, hehehe. Kailangan eh pag-isipan ng mabuti.
6. Magpadala ng pera sa pinas
~ Nakapako nga ako sa desk ko maghapon. Pero kailangan ko magmoney transfer soon nang mapadalhan ang aking mother dear ng pera.
Bottomline eh feeling ko wala akong time gawin ang lahat ng eto.
No comments:
Post a Comment