Sunday, March 30, 2008

on getting married

lately parang feeling ko eh halos lahat ng nasa paligid ko eh mag-aasawa na. sa team ko pa lang dito eh 4 na silang magpapakasal this year. tapos sa mapuan friends ko nag-asawa na ung isa, tapos sa tropa may balak na daw in 2 years time magpakasal un isa.

i'm only 24, pero magiging 25 na this year. is this the age to get married na ba? eh nagsisimula pa lang ako - magtravel, i-pursue nang matindihan ang career, mag-abroad, mag-ipon at of course matikman ang iba't ibang lahi.... este pagkain ng iba't ibang culture or kung anu man. bwahahahaha!

pero deep inside, parang napepressure tuloy ako. shit matanda na ba ako? in 6 years time mawawala na ako sa kalendaryo. waaaaah!!! kaya calling all my friends na nicontrata ko na as babymaker ha in case nde ako mag-asawa kagad. may usapan pa rin tau - wag nyong kakalimutan!!!! hahaha!

so going back, un nga. dapat ata at this time eh nag-iinvest na ako nde lang sa bahay kundi sa isang relationship. hai. pero wala pa naman ung "the one" at until now eh im still a cynic when it comes to true love.

definitely wala dito sa mauritius ung the one for me. hello??!! iba iba ang religion dito nde ko yata kakayanin mag-asawa ng iba ang religion, given the following reasons:

1. hindu - nde ko yata carry seryosohin ang religion nila. no offense pero nde talaga eh. ung mga gods nila eh may monkey at may elephant. tapos nde ko rin kayang magsuot ng saree! bwahahahaha! kumusta naman un. tapos ung mga festivals nila eh nde ko gets ang logic for some reason. shempre ganun din siguro tingin nila sating mga christians.

2. moslem - isa pa to. no. 1 reason would be nde ko kayang i-give up ang kapatid ko for this - im talking about crispy pata, sisig, liempo. hahahaha!!! i love pork nde ko talaga kaya. at goodluck na lang, they pray 5 times a day. eh ako minsan eh nakakalimutan or nde ko pa matapos ang prayer ko before going to sleep. minsan, ung cubemate ko, ang saya ng usapan namin, andun ung momentum eh tapos biglang " xianne, hold on a sec, i have to pray". waaaah!!! kakaloka!

so un, definitely nde ko gugustuhin mag-asawa at tumira dito. so lord, mag-aasawa man ako bago mag30 or nde, eh sana magkaanak pa rin ako. hehehe. may babymakers naman ako eh. hahahaha! hope you would understand kahit mejo mortal sin un. hahahaha!




No comments: