Saturday, July 14, 2007

chicken!!!

pag nagresign ako, wala na akong identity. i meant, wala na akong proof to identify myself kse wala na akong ibang ID kundi ang nag-iisang amkor ID ko. napakahirap pala ng ganun pagdating sa applications ng loans, sa banks, sa NBI clearance, police clearance at kung anu pang clearances na meron. kaya kanina, i decided to apply na for postal ID. pero shempre, kailangan na naman ng police clearance na kailangan din ng ID. ano ba naman to. pasaway kse akong filipino na nde nagparegister sa comelec para sana man lang meron akong voter's ID. tsk tsk.

eto ha, late ako nagising, as always, pero nde rin ako pede umabsent dahil ako ang may hawak sa S1 Reconfiguration Project ng ATSG na scheduled to go-live this weekend. may mga pahabol na modifications pa sila at dahil love ko ang boss ko eh ayoko rin talaga shang iwan sa ere. so un, i used my charms kay mama at napapayag ko sha na kumuha ng police clearance for me. sa san pedro lang un, sa baba ng SOGO (oi!). pero ang tanong eh pede ba naman na walang appearance ng applicant?!? hmmm... nakow, sa ngayon eh chicken lang pala kumuha ng police clearance dahil chicken rin lang ang katapat nila. hahaha! i asked mama to bring my picture at voila! may police clearance na ako. yey! ang equation:

police clearance with DOB correction = roasted chicken + mama's diskarte.

so tom., since half day ang barangay eh papaclearance na rin ako para by monday eh submission na lang ng requirements sa post office! galing, galing! another minus from my worries. thanks mama, sa mga pulis at sa masarap na chicken ng puregold. wahehe!

No comments: