naiinis ako sa ating mga pinoy
edited version na to, ung initial post ko eh mali mali pala. dulot iyon ng hilig ko magcopy paste ng posts mula sa draft posts ko. hehehe.
simula nung makita ko yung site sa petition to "Save Man's Best Friend from the Dog Meat Trade - Say YES to House Bill 2991" eh everyday ko na sha nimomonitor. i'm hoping kase na mameet sana ung goal of 50,000 signatures by saturday. as of the moment eh 32,092 pa lang ang nasa-sign sa countdown na 2 days 08h 09m 45s.
mukhang malabo at i feel hopeless. naaasar ako sa mga pinoy, panu ba naman kakaunti lang ang nagsign if i am to compare ung participation ng foreign countries especially italy. sa every refresh ko ng browser ko eh nakalinya ang mga galing sa italy. buti pa sila. ung mga mula sa philippines eh kung ire-ratio ko sa italy eh nasa 0.00000001 to 10. nakakalungkot. nakakabadtrip.
aside sa daily monitoring eh ginawa ko na rin lahat ng means of communication over the internet. ni-post ko sha dito sa blogger, sa multiply ko, sa friendster blog, nagbulletin din ako sa friendster twice, sinend ko rin to all my contacts sa gmail (of course except sa headhunters, hehe!), sinendan ko rin ng messages lahat ng nasa ym contact list ko and asked my friends to cross-post sa blogs din nila, thanks bang! sa ibang friends ko nga pala eh ni-sign ko na kau. hehehe. email lang naman kelangan, sana wag nyo i-delete ung petition nyo pag nareceive nyo ung confirmation. hehehe. unfortunately, eh konti lang ata ang nagforward ng petition na to. sa ym eh si david lang ang nakita kong nagforward to all his ym contacts. nakakainis. nde effective, di tulad ng green jokes, scandal pictures and showbiz buzz mails na napakabilis maforward kahit sa office mail accounts.
hai, to think na ung issue na ito eh dito sa pilipinas ha! mas mabenta pa rin ang dota, ragnarok, cyberchats, friendster, mirc, atbp. kelan kaya tau magiging concern sa iba naman? nde lang sa mga animals, how about sa nature, sa mga nananawagan ng donation, etc. ? ako nagsisimula na ako, sinimulan ko sa pagbabasa ng blog ng PARC and i'm thinking of donating something. magtetext rin pala ako mamya sa MMK para makapagdonate dun sa PMA-er/sundalo na may cancer na napanood ko last week. mejo nagiging socially aware na ako. sana magtuloy-tuloy na to.
p.s. sa mga nde pa nagsa-sign sa petition to save the dogs from dog meat trade, it's not yet too late, pede pa. click nyo lang ung link sa baba. salamat po!
No comments:
Post a Comment